|
|
ANG AKLAT NA ITO AY PARA SA IYO
|
|
“ Ipahayag! Sa Ngalan ng
iyong Panginoon na lumikha,
Na lumikha sa tao mula sa namumuong bagay.
Ipahayag! At ang iyong
Panginoon ay Ang Mapagbigay,
Siya na nagturo (sa paggamit
) ng panulat,
Na nagturo sa tao sa hindi
niya nalalaman.”
( Qur’an 96 : 1-5 )
Ni
Omar R.S. Penalber
(ISCAG- Philippines )
Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng sanlibutan.
Ang lathalaing ito ay
inihanda upang ibigay ang pangunahing mensahe ng Islam lalong-lalo na sa mga di-Muslim na may maling
haka-haka o impormasyon tungkol
dito na sadyang lihis sa tunay na kahulugan o diwa ng Islam.
Tanggapin nawa ng Allah ang
pagsisikap na ito na isinagawa bilang matapat na paglilingkod sa Kanya.
Taus-pusong pasasalamat sa
lahat ng mga kapatid sa Islam na naghikayat sa akin upang inihanda ang
lathalaing ito. Gayundin sa mga tumulong sa pagsasaayos ng nilalaman nito.
Nawa’y sumakanila ang pagpapala ng Allah.
Maraming salamat at nawa’y
patnubayan tayo ng Allah sa tamang landas tungo sa Kanyang Paraiso.
Omar R.S. Penalber
ISCAG – Philipines
January 1994
Ano
ang Islam?
Sino
ang Allah?
Sino
ang Muslim?
Sino
si Muhammad?
Ano
ang Banal na Qur’an?
Paniniwala
ng mga Muslim
·
Paniniwala
Sa Kaisahan ng Allah
·
Paniniwala
Sa mga Orihinal na kasulatan
·
Paniniwala
Sa mga Anghel
·
Paniniwala
Sa mga Propeta
·
Paniniwala
Sa Araw ng Paghuhukom
·
Paniniwala
Sa Kahihinatnan
Mga
Haligi ng Islam
Ang
Mahabagin
Sa kabila ng patuloy na paninira at panunuligsa ng
Kanluran at mga bansang naimpluwensiyahan nito, sadyang kapuna-puna na marami
pa ring mga tao sa buong daigdig ang pumapasok sa pananampalatayang Islam.
Sinuman ang matapat na naghahanap
ng katotohanan at nagnanais na matamo ang kapayapaan ay tiyak na
matatagpuan lamang niya ito sa
Islam. Siya ay malayang yumakap sa Islam maging anuman ang kanyang lahi,
kulay o katayuan sa buhay.
Inaanyayahan ko ang lahat na
maging matapat sa sarili sa paghahanap ng katotohanan. Ang talino at kaisipan
na ipinagkaloob ng Dakilang Lumikha ay nararapat lamang na unang pairalin kaysa
sa bugso ng damdamin. Ang paggamit
ng emosyon lamang ay
nagsisilbing balakid sa paghahanap ng tamang landas. Ang bawat pananampalataya
ay nag-aangkin ng kaligtasan at katotohanan. Ngunit ang pag-aangkin na ito ay
dapat lamang na magkaroon ng
tunay at sapat na batayan. Ang
tamang pangangatwiran na may mapananaligang batayan ay kailangan upang malaman
at matiyak ang makatotohanan.
Narito ang ilang katawagang
pang-Islam bilang pangunahing impormasyon na dapat malaman.
ANO ANG ISLAM?
Ang Islam ay hindi hinango sa pangalan ng tao, pook, tribo
o anumang bagay na nilikha ng Diyos. Ito ay kaiba sa ibang relihiyon sapagkat ang
kanilang pangalan ay hinango sa mga nilikhang bagay. Halimbawa: Ang
Kristiyanismo ay hinango sa katagang Kristo; Ang Budhismo sa pangalan ni Gautama Buddha;
Hinduismo sa tribo ng Indes Valley sa India; at Hudaismo sa tribo ng Juda.
Ang Islam ay isang katagang
Arabik na hinango sa salitang ugat
na Salam na nangangahulugan ng Kapayapaan. Ito ay nangangahulugan din ng
Pagsunod, Pagsuko at pagtalima sa kalooban ng Tunay at Iisang Diyos. Ang tunay
na kapaayapaan ay nasa puso, isip at kaluluwa na nagdudulot ng kapayapaan sa
kapaligiran at lipunan.Ang Kapayapaan ay hindi kailanman matatamo sa antas ng
karunungan, kayamanan o katanyagan. Bagkus ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng ganap at tapat na pagsunod, pagsuko at
pagtalima sa kalooban ng Nag-iisang Tunay na Diyos (Allah) – ang likas na pananampalatayang ibinigay Niya sa
sandaigdigan.
Ang Allah ay ang tunay at
tanging Tagapaglikha. Siya ay walang anak at hindi rin ipinanganak. Siya ay
walang katulad. Ang Allah ay Diyos,
hindi ng isa lamang na tribo o pangkat ng tao, bagkus Siya ang Tunay na
Panginoon ng lahat. Kaya’t Siya lamang ang karapat-dapat na sambahin at wala ng
iba pa. Siya ang nagpadala ng mga
Sugo upang turuan ang tao sa pagsamba tanging sa Kanya lamang. Ang ilan sa kanila ay sina: Propeta
Noah, Abraham, Moses, Hesus, Mohammad (SAWS)1
Pinanatili ng mga Muslim na
Siya ay tawagin sa pangalang Allah. Siya (Allah) mismo ang nagbigay ng Kanyang
pangalan sa pamamagitan ng kapahayagan o rebelasyon na Kanyang
ipinadala sa mga piling Propeta. Siya ang tanging Tagapaglikha ng lahat ng
bagay na ating nakikita at nindi nakikita.
Ayon sa Banal na Qur’an (32
: 4)
“Ang Allah ay (Siyang) lumikha ng kalangitan at kalupaan at ng lahat ng nasa pagitan ng mga ito…..”
Marami ang nag-aakala na ang
tunay na Muslim ay ang isang tao na isinilang mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya ay isang
taong isinilang sa bansang Muslim. Ang lahi, kulay, tribo,angkan o pangalan ay
hindi mga batayan upang ang isang tao ay matawag na tunay na Muslim. Ang tunay na Muslim ay ang
nilikha ng Allah na sumusunod, sumusuko at tumatalima sa Kanyang mga Kautusan.
sa katunayan, hindi ang tao lamang ang matatawag na Muslim. Maging ang lahat ng
mga nilikha ng Allah bukod pa sa
tao (katulad ng mga bituin sa kalangitan,ang araw, buwan, hangin, hayop,
atbp.) ay maituturing na Muslim, sapagkat silang lahat ay mga nilikha na
sumusnod sa likas na batas na inilagay ng Allah sa kalikasan.
Isang kamalian at hindi
kailanman matatanggap ng mga
Muslim na sila ay tawaging Mohammadan sapagkat ito ay nagbibigay
kahulugan ng pagsamba kay Propeta Muhammad (SAWS). Ang Islam ay hindi kailanman
nagtuturo ng pagsamba sa Propeta o anumang nilikha lamang ng Allah. Bagkus, ito
ay naghihikayat sa tao na sumamba tangi sa nag-iisa lamang na
Allah, at nagbabawal sa anumang uri ng pagsamba na iniuukol sa nilikha.
SINO SI MOHAMMAD?
Si Mohammad (SAWS) ay isinilang sa lungsod ng Makkah ( O
Bacca Sa Bibliya) isang kilalang lungsod na nasasakop ng Saudi Arabia sa kasalakuyan. Siya ay isang tao na pinili ng Allah bilang
huwaran ng sangkatauhan. Siya ang panghuling Sugo at Propeta ng Allah at ang
kanyang mensahe ay para sa lahat ng tao.
Ang pagitan nina Propeta Mohammad at Propeta Hesus (SAWS)
ay humigit kumulang sa 570 taon. Sa katunayan, si Propeta Hesus at Propeta
Muhammad ay iisa ang pinagmulan. Ito ay si Propeta Abraham (SAWS) ang
tinaguriang – Ama ng Mananampalataya. Si Propeta Hesus ay nanggaling sa lahi ni
Propeta Isaac at si Propeta Muhammad naman ay sa lahi ni Propeta Ismael. Si
Propeta Mohammad (SAWS) ay hindi marunong sumulat at bumasa. Siya ay kilala bilang isang mabait at
mapagkakatiwalaang tao sa kanyang pook (Makkah). Kaya naman siya ay tinaguriang
Al-Amin (Ang Mapagkakatiwalaan).
Noong siya ay apatnapung taong gulang, siya ay hinirang ng
Allah bilang panghuling Propeta. At dito rin nagsimulang ipahayag sa kanya ang
huling kapahayagan o rebelasyon ng Allah – ang Banal na Qur’an. Si Propeta
Muhammad (SAWS) ay namatay sa gulang na animnapu’t tatlo. Siya ay inilibing sa
Madina, na ngayon ay isang lungsod ng Saudi Arabia.
ANO ANG BANAL QUR’AN?
Ang Banal na Qur’an ay ang pangunahing kapahayagan ng
Allah. Ito ay tunay na salita ng Allah na napanatili sa kanyang Orihinal na
Anyo. Ang Banal na Qur’an ay ipinahayag kay Propeta Muhammad (SAWS) sa
pamamagitan ni Anghel Gabriel sa loob ng
dalawampu’t tatlong taon. Ito ang saligan o batayan ng pananampalatayang Islam. Ang kapahayagang ito
ay siyang binibigkas ng mga Muslim sa tuwing nagdarasal ng limang beses sa
maghapon. Ang Banal na qur’an ay ipinahayag ng Allah bilang gabay sa
sangkatauhan. Sa katunayan, maraming Muslim ang nasasaulo ang buong banal na
Qur;an. Ito ay isang patunay na ang Banal na Qur’an ay hindi maaaring baguhin
magpakailanman at isang tanda na ito ay pinangangalagaan ng Allah laban sa
anumang pagbabago.
Sa Banal na Qur’an ( 15 : 9 ) ang Allah ay nagsabi:
“ Katotohanan, Aming ipinadala ang Kapahayagan; at
katiyakang pangangalagaan Namin ito (sa anumang pagbabago ).”
PANINIWALA NG MGA MUSLIM
Ang Muslim ay may matapat at buong pusong paniniwala sa
mga sumusunod:
1. Paniniwala
sa Kaisahan ng Allah at ang Pagsamba sa Kanya lamang.
Ang Muslim ay naniniwala sa nag-iisa
lamang na Diyos (Allah). Siya lamang ang
karapat-dapat na sambahin sapagka’t
Siya lamang ang nagkaloob ng buhay sa lahat. Ang tunay na paniniwala sa
kaisahan ng Allah ay ang taus-pusong pagsaksi na Siya ay nag-iisang Diyos. Siya ay walang anak, ama o ina.
Hindi Siya maaaring ihambing kaninuman
o sa anuman na Kanyang nilikha.
Ayon Sa Banal na Qur’an (112
: 3-4 )
“…….. Hindi Siya nagka-anak
at hindi Siya ipinanganaak, at Siya ay walang katulad.”
Ang Allah –Ang Maawain at ang Mahabagin ay
nagpapatawad sa lahat ng kasalanan na Kanyang naisin. Subalit ang kasalanang
hindi Niya mapatatawad ay ang pagtatambal sa Kanya sa anumang kalagayan at ang
pagsamba sa iba maliban sa Kanya.
Kapag ang tao ay namatay sa isang
kalagayan na siya ay sumasamba sa iba o nagtatambal
sa Allah ng anuman sa anumang kalagayan, isinara na niya
ang kanyang tadhana sa Paraiso. Subalit habang siya ay nabubuhay, mayroon
siyang pagkakataong bumalik sa likas na pagsamba sa Dakilang Lumikha. Ang Allah
ay laging nagpapatawad sa kaninumang matapat na nagsisisi.
Ayon Sa Banal na Qur’an (4
:48 )
“ Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allah ang pagbibigay
katambal sa pagsamba sa Kanya, ngunit pinatatawad Niya ang lahat (maliban dito)
sa kaninuman na Kanyang naisin….”
Ang Islam ay naghihikayat sa tao
na kilalanin nang tapat ang Lumikha na nagkaloob ng buhay sa kanya. Kaya’t ang
Allah lamang ang dapat na pag-ukulan ng pagsamba.
2.
Paniniwala Sa mga Orihinal na Kasulatan
Ang Muslim ay naniniwala sa
lahat ng mga Orihinal na kasulatan na ipinadala ng Allah sa Kanyang mga
Propeta. Ang mga kasulatang nababanggit sa Banal na Qur’an ay ang mga
sumusunod:
i)
Suhuf (Kalatas) na ipinahayag kay Propeta Abraham (SAWS)
ii)
Tawrat
(Torah) na ipinahayag kay
Propeta Moses (SAWS)
iii)
Zabur (Salmo ) na ipinahayag kay Propeta David (SAWS)
iv)
Injeel (Ebanghelyo) na ipinahayag kay Propeta Hesus (SAWS)
v)
Qur’an na
ipinahayag kay Propeta Muhammad (SAWS )
Ang mga Orihinal na kapahayagan
na nabanggit ay pinaniniwalaan ng
mga Muslim sapagkat iisa lamang
ang kanilang pinagmulan,- ang Allah.
Ngunit sa kasalukuyan, tanging
ang Banal na Qur’an na lamang ang nalalabing kapahayagan na nananatili sa
kanyang Orihinal na anyo. Ito ay nagsisilbing patotoo sa mga naunang mga aklat
na ipinahayag sa mga naunang Propeta.
3.
Paniniwala Sa mga Anghel
Ang mga Muslim ay matapat na
naniniwala sa mga Anghel. Nilikha ng Allah ang mga Anghel mula sa liwanag
samantalang ang tao ay nilikha mula sa alabok. Bawat tao ay may dalawang anghel
na nagbabantay at nagtatala sa lahat ng kanyang ginagawa, mabuti man o
masama.Ang talaang ito ay tinatawag na Talaan ng Gawa. Ito ang ihaharap sa tao
sa Araw ng Paghuhukom. Kung matimbang ang kanyang mabubuting gawa, siya ay
mapuputa sa Paraiso. Ngunit kung higit na matimbang ang kanyang
masasamang gawa, siya ay mapupunta sa Impiyerno.
Kung tutuusin, nag pagkakalikha
sa tao ay nakahihigit kaysa sa
Anghel sa dahilang ang tao ay nilikha ng Allah na may kalayaan – ang sumunod o
sumuway. Ngunit ang mga Anghel ay nilikha ng Allah na walang layang sumuway.
Tanging ang ipinag-uutos lamang ng Allah ang kanilang ginagawa.
4.
Paniniwala sa
mga Propeta
Mahigpit na ipinag-uutos sa mga
Muslim ang maniwala sa lahat ng mga Propeta. Hindi siya matatawag na Muslim
kung itatakwil niya ang isa man sa mga Propeta . Ang ilan aa mga Propetang ito
ay sina: Noah, Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, David, Solomon,
Joseph, Moises, Aaron, Juan Bautista, Hesus at si Mohammad (SAWS)
Ang Paniniwala sa kanila ay
pantay at walang pagtatangi. Kailangang mahalin at igalang silang lahat
sapagkat sila ay isinugo ng Nag-iisang Tagapaglikha—ang Allah. Magkagayunman,
ni isa sa kanila ay hindi dapat sambahin. sa katunayan, walang sinumang Propeta
ang nagturo na siya mismo ay dapat
sambahin. Ang lahat ng Propeta ay Muslim sapagkat sila, noong kanilang panahon
ay sumunod, sumuko at tumalima sa Iisang Allah-Ang Tagapaglikha. Ang kanilang
pangunahing turo o aral ay ang pagsamba, pagsuko at pagtalima sa Allah. Ang
pamamaraan ng kanilang pagsamba ay iisa. Silang lahat ay tuwirang tumalima at
nagpatirapa sa Allah sa kanilang pagdarasal.
Sadyang iisa ang buod ng Mensahe
ng lahat ng Propeta sa dahilang iisa ang Allah na nagsugo sa kanila. Kung
marami man ang uri ng pananampalataya sa ngayon, ang mga ito ay hindi nagmula
sa Allah bagkus ay nagmula sa pagtuturo ng tao.
Ang pagmamahal at paggalang sa
mga Propeta ay kailangan sapagkat
sila ang daan, ang ilaw at ang katotohanan. Ang aral o mensahe nilang lahat ay
nagmula sa Iisang Tagapagsugo—ang Allah. At tiyak na makakamtan ng tao ang
kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom kung siya ay tunay na sumusunod sa aral at
turo ng Propeta.
5. Paniniwala sa Araw ng
Paghuhukom
Ang Muslim ay kailangang
maniwala sa Araw ng Paghuhukom. Ang lahat ng tao ay mamamatay na siya namang
simula ng buhay na walang-hanggan; Paraiso o Impiyerno.
Sa Banal na Qur’an (3 :185 ),
ang Allah ay nagsabi:
“Ang lahat ng tao ay
makararanas ng kamatayaan at sa Araw ng Paghuhukom lamang kayo’y gagawaran ng
sapat na kabayaran…”
At sa Araw na iyon, ang lahat ng
tao ay ibabangong muli ng Allah at
Kanyang hahatulan batay sa kanilang gawa. Sinuman ang sumamba tanging sa Allah
lamang at gumawa ng mabuti ay
mapupunta sa Paraiso. Ngunit ang sinumang sumamba sa iba maliban sa Allah ay
mapupunta sa Impiyerno.
Dapat lamang na maniwala sa Araw
ng Paghuhukom upang magkaroon ng saysay ang buhay ng tao sa mundong ito. Sa
batas ng tao, marami ang gumagawa ng mabuti ngunit hindi nabibigyan ng sapat na gantimpala. Marami din ang gumagawa ng masama ngunit hindi
nahahatulan o nabibigyan ng tamang kaparusahan. Subalit sa Araw ng Paghuhukom,
ang Allah na Siyang
Makapangyarihan at Dakilang Hukom
ay magbibigay ng tama at sapat na gantimpala o parusa sa lahat.
Sa Araw na iyon, doon
matatagpuan at makakamtan ang lahat ng tunay na katarungan, at tanging ang
Allah lamang ang makapagbibigay nito.
6.
Paniniwala sa Kahihinatnan at Walang Hanggang Kaalaman ng Allah.
Ang Muslim ay kailangang
maniwala na ang lahat ng nangyayari ay pinahihintulutan ng Allah: mabuti man o
masama sa paningin ng tao. Walang magaganap sa kaharian ng Allah na salungat sa kanyang nais. Siya ang
Maalam at ang Maawain, at ano man ang Kanyang naisin ay may makahulugangg
layunin.
Dapat din siyang maniwala na ano
man ang kanyang mga kahihinatnan ay pinahihintulutan ng Allah. Ang kahihinatnan
ng tao ay bunga rin ng kanyang gawa sapagkat binigyan siya ng Allah ng kalayaan
na pumili ng mabuti o masama.
Anuman ang magiging bunga ng kanyang
pagpili ay itinalaga at pinahintulot ng Allah. Ang Allah lamang ang tanging
nakababatid sa kahihinatnan ng lahat ng pagsisikap ng tao. Kung ito ay
mailalagay ng tao sa kanyang puso, tatanggapin niya ng buong pananampalataya
ang lahat ng loobin ng Allah kahit
ito ay hindi niya nauunawaan nang ganap.
Dapat ding paniwalaan ng Muslim
na bagamat hindi niya nakikita ang
Allah, ay nakikita naman siya
Nito. Batid ng Allah ang lahat maging ang nakatago sa puso.
Bukod sa mga nabanggit na
paniniwala ng Muslim, ang Islam ay mayroon ding limang haligi na dapat
gampanan o isagawa. Ang
Paniniwala ay hindi sapat. Ang
pananampalataya na walang gawa ay walang buhay o saysay. Sa Islam, ang mga
sumusunod ay nararapat na isagawa ng isang Muslim bilang pangunahing daan tungo sa kaligtasan at upang
matamo ang biyaya ng Alllah.
ANG HALIGI NG ISLAM
Ang Shahaadah (Pagsaksi)
na walang tunay na diyos na dapat pag-ukulan ng Pagsamba maliban sa Allah at si
Mohammad ay Sugo at Propeta ng
Allah”.
Pag-aalay ng limang ulit na
pagdarasal (Salaah ) sa maghapon bilang pasasalamat at pag-aalaala sa Allah.
Pagbibigay ng taunang kawanggawa
(Zakat). Ito ay dalawa at kalahating (2.5 %) porsiyento sa natitirang
kayamanan o salapi na naipon sa loob ng isang taon.
Ito ay ipinamimigay sa mga nangangailangan at nararapat makinabang.
Pag-aayuno (Siyam) tuwing buwan
ng Ramadan na isinasagawa ng tanging sa Allah lamang inuuukol upang ipadama ang
pagiging matapat sa Kanya.
Paglalakbay sa Makkah (Hajj)
minsan sa tanang buhay ng sinumang may mainam na kaisipan, mabuting kalusugan at may sapat na salaping
gugugulin sa paglalakbay.
Ang mga haliging nabanggit ay
nararapat na paniwalaan at gampanan nang taus-puso bilang pagsasagawa ng
pangunahing pagsamba, pagsunod at pagtalima sa ipinag-uutos ng Allah.
Sa Banal na Qur’an (51 : 56 )
ang Allah ay nagsabi:
“ Nilikha ko lamang ang Jinn
at Tao upang sambahin Ako.”
Sa dahilang ang Allah ang
nagbigay ng pananampalatayang Islam, ito ang tanging relihiyon na magpapalaya
sa tao sa kanyang pagkabilanggo sa mga huwad at di-maipaliwanag na doktrina. Ang mga doktrinang ito ay
gawa lamang ng tao kaya’t kailanman ay hindi magiging malaya sa
pagsasalungatan.
Ang Islam lamang ang
Pananampalatayang ipinadala ng Dakilang Lumikha sa sangkatauhan.
Sa Banal na Qur’an (3 :19 )
ang Allah ay nagsabi:
“ Katotohanang ang
pananampalataya sa paningin ng Allah ay ang Islam (pagsunod, pagsuko at
Pagtalima sa Kanya)”
Tanging sa Islam lamang
matatagpuan ang ganap na patnubay na sumasaklaw sa bawat bahagi o aspeto ng buhay. Ang mga alituntunin
na dinala ng mga Propeta ay binigyang kaganapan ng Allah kay Propeta Mohammad
(SAWS). Kaya naman, ang Islam ay nagbibigay ng maliwanag , praktikal at ganap
na alintuntunin na kayang isakatuparan ng tao sa kanyang araw-araw na pamumuhay.
Ang Allah ay nagsabi ( 5 :3
):
“ Sa araw na ito ay Aking
binigyan ng lubos na katuparan ang inyong relihiyon para sa inyo, Aking ginawang ganap ang tulong sa inyo, at
pinili ang Islam bilang inyong relihiyon.”
Nasasaad din Sa Banal na
Qur’an ( 3 : 85 ):
“Sinuman ang magnais ng ibang
relihiyon maliban sa Islam (Pagsunod, Pagsuko, at Pagtalima sa Allah),
kailanma’y hindi ito tatanggapin sa kanya at sa huling araw, siya ay makakasama
ng mga talunan.” (Pagkakaitan ng buhay sa Paraiso )
Inaanyayahan namin kayo na
patuloy na sa pananaliksik sa itinuturo ng Islam na may bukas na kalooban at
kaisipan upang makita ang tunay na katotohanan.
Si Propeta (SAWS) ay nagsabi
:
“ Sinuman ang magsikap na
matamo ang kaalaman (sa pananampalataya) gagawin ng Allah na maginhawa sa kanya
ang landas tungo sa Paraiso”.
Alalahanin natin na ang buhay sa
mundong ito ay panandalian lamang. Ang lahat ay magwawakas at ang lahat ng tao
ay magbabalik at haharap sa Allah upang litisin.
Ayon Sa Banal na Qur’an ( 2
:156 )
“…… katotohanan, tayo ay
nagmula sa Allah at sa kanya rin tayo muling magbabalik.”
Gayundin ang Allah ay nagsabi
( 31 :34 )
“…. At walang sinumang
nakababatid sa kanyang kinabukasan. At wala ring nakababatid kung saang pook
siya mamamatay, katotohanan, ang Allah lamang ang nakababatid
(ng lahat ng bagay)”.
Hindi ba nararapat na higit
nating bigyan ng pansin at paghandaan ang kabilang buhay?
Nawa’y ang maikling mensaheng
ito ay nakapagbigay linaw sa pangunahing impormasyon na dapat malaman tungkol
sa Islam. Hangad namin na maituwid ang anumang maling haka-haka o
impormasyon bunga ng
patuloy na paninira sa Islam hanggang sa kasalukuyan.
Para sa karagdagang impormasyon
at libreng lathalain tungkol sa Islam, mangyaring sumulat, tumawag o
makipagkita sa sumusunod na tanggapan o alinmang tanggapang Islamiko na malapit
sa inyong pook.
ISCAG – Philippines
( Islamic Call &
Guidance –Phil. )
Main Office: Salitran II, Dasmarinas, Cavite
Branch Office: 1st Floor Dona
Salamon Bldg.
E.
Rodriguez Sr. Avenue, Cubao, Quezon City
Tel.
0063 –2 –911 – 0130 / Fax 0063 – 2 – 911 - 5311
1 SAWS: Sallallahu Alaihi Wasallam ( Nawa’y itampok ng Allah ang pagbanggit Sa Kanya at nawa’y iligtas siya Sa anumang masama.)