|
|
Ang Pagsasagawa ng Hajj
|
|
أحكام الحج
|
شعبة توعية الجاليات بالزلفي |
|
Isinalin ng: Zulfi Foreigners' Guidance Office |
|
P.O. Box: 182 Zulfi 11932 |
|
Saudi Arabia |
|
Tel.: 06 4225657 |
|
Fax: 00966 4224234 |
Ang Hatol sa Pagsasagawa ng Hajj
Ang pagsasagawa ng Hajj ay tungkulin ng bawat lalaki at babaeng Muslim isang beses sa tanang buhay. Ito ang ikalima sa mga Haligi ng Islam. Nagsabi si Allah (3:97): "…At kay Allah ay may tungkulin ang mga tao na magsagawa ng Hajj sa Bahay: ang sinumang makakayang makarating doon. …" Nagsabi naman ang Propeta (SAS): "Isinalig ang Islam sa lima: ang pagsaksi na 'Walang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ay Sugo ni Allah, ang pagpapanatili sa Salah, ang pagbibigay ng Zakah, ang pagsasagawa ng Hajj, at ang pag-aayuno sa [buwan ng] Ramadan."
Ang Hajj ay isa sa mainam na mga pagsambang nagpapalapit sa tao kay Allah. Nagsabi ang Propeta (SAS): "Ang sinumang magsagawa ng Hajj sa Bahay na ito (Ka'bah) at hindi gumawa ng anumang malaswang bagay at hindi sumuway (sa ipinag-uutos), babalik siyang gaya noong araw na isinilang siya ng kanyag ina."
Ang mga Kundisyon sa Pagsasagawa ng Hajj
Ang pagsasagawa ng Hajj ay tungkulin ng isang Muslim na may sapat na gulang (15 taon pataas) at may sapat na pag-iisip kung makakaya niya. Ang ibig sabihin ng kakayahan ay ang kakayahan na magkaroon ng panggastos at masasakyan patungo roon. Kailangang mayroong masasakyan at panggastos na makasasapat sa kanya para sa pagpunta at pag-uwi kabilang rito ang pagkain, ang inumin, ang kasuutan, at ang transportasyon. Ang panggastos na ito ay ang sobra sa panggastos sa pangangailangan ng mga umaasa sa kanya. Bahagi rin ng kakayahan ang pagkakaroon ng katiwasayan sa dadaanan papunta sa Makkah at ang kalusugan ng katawan: walang sakit at kapansanang makasasagabal sa pagsasagawa ng Hajj. Karagdagan sa mga nabanggit, isang kundisyon para sa mga kababaihan ang magkaroon ng kasamang Mahram(1) sa Hajj, maging ito man ay kanyang asawa o isa sa kanyang mga kamag-anak na Mahram. Ang babae ay kailangan ding hindi nagsasagawa ng 'Iddah(2) sapagkat pinagbawalan ni Allah ang mga babaeng nagsasagawa ng 'Iddah na lumabas sa kanilang tahanan. Kaya ang sinumang nagtataglay ng isa sa mga hadlang na nabanggit, hindi siya obligadong magsagawa ng Hajj.
(1) Ang asawa o maybahay at ang lalaki o babaeng bawal mapangasawa ng isang tao. Tingnan sa pahina 93 ang kahulugan ng Mahram.
(2) Ang 'Iddah ay ang panahon na hindi pa maaaring mag-asawa ang isang babaeng namatayan ng asawa o diniborsiyo nito. Ang 'Iddah, kapag hindi nagdadalang-tao, ay tatlong buwan para sa diniborsiyo at apat na buwan at sampung araw para sa namatayan ng asawa. Ang 'Iddah naman ng nagdadalang-tao ay nagtatapos kapag nagsilang siya ng sanggol. Isinasagawa ang 'Iddah upang kapag muling nag-asawa ang isang babae ay makatitiyak siya na hindi nagdadalang-tao sa unang asawa.
Ang mga Kaasalan sa Hajj
1. Na pag-aaralan ang mga alituntunin sa pagsasagawa ng Hajj at 'Umrah bago maglakbay, maaaring sa pamamagitan ng pagbabasa o pagtatanong.
2. Ang pagsisigasig na magkaroon ng mabuting kasama na tutulong sa mabuti, at minamabuti ring magkaroon ng kasamang iskolar ng Islam o mag-aaral ng Islam.
3. Na ang hahangarin sa isasagawang Hajj ay ang ikalulugod ni Allah at ang mapalapit sa Kanya.
4. Ang pangalaga sa dila laban sa mga walang kabuluhang salita.
5. Ang madalas na pagsambit ng mga Dhikr at mga dalangin.
6. Ang pag-iwas na makasakit sa mga tao.
7. Na magsisikap ang isang Muslimah sa pagtatakip ng sarili, pagsusuot ng Hijab, at pag-iwas na makihalubilo sa mga lalaking hindi Mahram.
8. Na aalalahanin ng isang nagsasagawa ng Hajj na siya ay nasa sandali ng pagsasagawa ng isang pagsamba kay Allah, hindi nasa sandali ng pamamasyal at pagliliwaliw, sapagkat ang ibang mga nagsasagawa ng Hajj—patnubayan sila ni Allah—ay nag-aakalang ang Hajj ay isang pagkakataon para mamasyal at magpakuha ng mga litrato.
Ang Ihram
Ang Ihram ay ang pagpasok sa pagsasagawa ng mga itinakdang gawain para sa Hajj at 'Umrah. Kailangang magsagawa ng Ihram ang sinumang nagnanais na magsagawa ng Hajj o 'Umrah. Magsasagawa ng Ihram ang nagnanais magsasagawa ng Hajj o 'Umrah, kapag nagbuhat siya sa labas ng Makkah, sa isa sa mga Miqat na itinakda ng Sugo (SAS). Ang mga Miqat ay ang sumusunod:
1. Ang Dhul Hulayfah. Ito ay isang maliit na nayong malapit sa al-Madinah at tinatawag sa ngayon na Abyar 'Ali. Ito ang Miqat ng mga galing sa Madinah;
2. Ang al-Juhfah. Ito ay isang maliit na nayong malapit sa Rabigh. Ang mga tao sa ngayon ay nagsasagawa ng Ihram sa Rabigh. Ito ang Miqat ng mga galing sa Syria, Jordan, at Palestine;
3. Ang Qarn al-Manazil (as-Sayl al-Kabir). Ito ay isang lugar na malapit sa Ta'if. Ito ang Miqat ng mga galing sa Najd (Ang kalagitnaang bahagi ng Saudi Arabia);
4. Ang Yalamlam. Ito ay mga 70 km buhat sa Makkah. Ito ang Miqat ng mga galing sa Yemen;
5. Ang Dhat 'Irq. Ito ang Miqat ng mga galing sa Iraq.
Ang mga lugar na ito ay ginawang Miqat ng Propeta (SAS) para sa mga nagbuhat sa lugar na nabanggit at sa mga dumaraan sa mga ito na nagbuhat sa ibang pook, na nagnanais na magsagawa ng Hajj o 'Umrah. Ang mga naninirahan sa Makkah at sa pagitan ng Makkah at mga Miqat ay magsasagawa ng Ihram sa kanilang mga tahanan.
Ang mga Sunnah sa Ihram
Ang mga gawaing Sunnah na gawin bago magsagawa ng Ihram:
1. Ang pagputol ng mga kuko sa kamay at paa, ang pagbunot o ang pag-aahit ng buhok sa kilikili, ang pagputol ng bigote, ang pag-ahit ng buhok sa ari, ang pagpaligo, at ang paggamit ng pabango o mabangong bagay sa katawan lamang at hindi sa kasuutan para sa Ihram.
2. Ang pag-aalis sa katawan ng anumang kasuutan (gaya ng brief, kamiseta, salawal, at T-shirt) at ang pagsusuot ng Izar (puting tapis) at Rida' (puting balabal). Samantala, ang babae ay maaaring magsuot ng anumang damit na ninais niya, kalakip ng pagsisikap na takpan ang sarili, na hindi ilantad ang kagandahan, na takpan ang mukha at mga kamay kapag may mga lalaking hindi Mahram at na iwasan na magsuot ng Niqab at mga guwantes.
3. Ang pagpunta sa Masjid, ang pagsasagawa ng Salah kasama ng Jama'ah kapag oras ng Salah o ang pagsasagawa ng dalawang Rak'ah bilang Salah na Sunnah para sa Wudo'. At pagkatapos na gawin ang mga nabanggit ay isasagawa na ang Ihram.
Ang Tatlong Uri ng Hajj
1. Ang Tamattu'. Magsagawa muna ng Ihram para sa 'Umrah lamang at kapag dumating na ang oras ng Hajj ay magsasagawa naman ng Ihram para sa Hajj sa kinaroroonan sa Makkah. Magsasabi ng ganito sa Miqat: labbayka 'umratan mutamatti'am biha ilal hajj.(1) Ang Hajj na Tamattu' ang pinakamainam na uri ng Hajj lalo na kapag dumating sa Makkah sa loob ng panahong hindi pa maisasagawa ang Hajj. Pagkatapos niyon ay muling magsasagawa ng Ihram para naman sa Hajj sa ika-8 ng Dhul Hijjah sa kinaroroonan sa Makkah sa pamamagitan ng pagsabi ng labbayka hajja.(2) Kailangan ang Hady(3) sa uri ng Hajj na ito. Makasasapat na ang isang tupa (o kambing) para sa isang tao, at ang isang kamelyo at ang isang baka para sa pitong tao.
2. Ang Qiran. Isasagawa nang isang ulit lamang ang Ihram para sa magkasamang 'Umrah at Hajj. Magsasabi sa Miqat ng labbayka 'umratan wa hajja.(4) Isasagawa muna ang 'Umrah at pagkatapos nito ay magpapatuloy sa Ihram (hindi huhubarin ang kasuutan para sa Ihram) hanggang sa dumating ang 'Idul Ad'ha. Isinasagawa ang Hajj na Qiran sa pamamagitan ng pagdudugtong ng 'Umrah sa Hajj. Ang Hajj na Qiran ay kadalasang isinasagawa ng sinumang bagaman dumating bago sumapit ang Hajj ay wala na siyang sapat na panahon upang tapusin ang isang 'Umrah at saka magsagawa ng panibagong Ihram para sa Hajj kapag dumating na ang oras nito. Ang Hady ay kinakailangan din sa Hajj na ito.
3. Ang Ifrad. Maglalayon na magsasagawa ng Hajj lamang. Magsasagawa ng Ihram sa Miqat at sa pamamagitan ng pagsasabi ng labbayka hajja.(2) Hindi kailangan ang Hady sa Hajj na ito.
Kapag naglalakbay sakay ng eroplano patungong Makkah ay kailangang isagawa ang Ihram pagdating ng eroplano sa ibabaw ng Miqat o sa loob ng maikling sandaling hindi pa lumalampas sa Miqat ang eroplano kapag mahirap malaman kung nasaan ito. Gagawin ang mga ginagawa sa Miqat gaya ng paglilinis ng sarili, pagpapabango o paggamit ng mabangong bagay, pagpuputol ng mga kuko, at pagsusuot ng kasuutan para sa Ihram, kung ninanais ay bago sumakay sa eroplano o kapag nakasakay na sa eroplano. Pagkatapos ay ipahahayag ang layuning magsagawa ng Ihram bago dumating sa Miqat o pagdating ng eroplano dito.
(1) Bilang pagtugon sa Iyong panawagan upang magsagawa muna ng 'Umrah na pasusundan ng Hajj.
(2) Bilang pagtugon sa Iyong panawagan upang magsagawa ng Hajj.
(3) Ang Hady ay ang hayop na kinakatay bilang alay.
(4) Bilang pagtugon sa Iyong panawagan upang magsagawa ng 'Umrah at Hajj.
Ang Pagsasagawa ng Ihram
Ang paraan ng pagsasagawa ng Ihram ay ang pagsasabi ng:
1. labbayka 'umratan mutamatti'am biha ilal hajj; ito ay kapag nagnanais na magsagawa ng Hajj na Tamattu'.
2. labbayka 'umratan wa hajja; ito ay kapag nagnanais na magsagawa ng Hajj na Qiran.
3. labbayka hajja; ito ay kapag nagnanais na magsagawa ng Hajj na Ifrad.
Matapos isagawa ang Ihram, Sunnah na bigkasin ang Talbiyah at uli-ulitin ito sa tuwi-tuwina sa loob ng mga sandaling nasa panahon ng Ihram hanggang sa bago magsimula ang Tawaf sa Ka'bah. Ang Talbiyah ay ang pagsasabi ng: Labbayk allahumma labbayk, labbayka la sharika laka labbayk, innal hamda wan ni'mata laka wal mulk, la sharika lak.(1)
(1) Bilang pagtugon sa Iyong panawagan, o Allah, bilang pagtugon sa Iyong panawagan; bilang pagtugon sa Iyong panawagan, wala Kang katambal, bilang pagtugon sa Iyong panawagan. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; wala Kang katambal.
Ang mga Bawal Matapos Magsagawa ng Ihram
1. Ang pag-aalis ng buhok sa ulo at sa alin mang bahagi ng katawan, subalit walang masama kung kakamutin nang marahan ang ulo kapag kailangan;
2. Ang pagputol ng kuko, subalit kung kusang naputol ang kuko o nakasasakit ay walang masama na alisin ito;
3. Ang paggamit ng pabango o mabangong bagay at gayon din ang sabon na may pabango;
4. Ang pakikipagtalik o ang anumang gawaing maaaring mauwi sa pakikipagtalik gaya ng pagpapakasal, ang pagtingin nang may pagnanasa, ang paghipo, ang paghalik, at iba pa;
5. Ang pagsusuot ng guwantes;
6. Pagpatay ng mailap na hayop.
Ang mga gawaing ito ay ipinagbabawal sa lalaki at babae. Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal lamang sa lalaki:
1. Ang pagsusuot ng anumang kasuutan, ngunit ipinahihintulot ang anumang kakailanganin gaya ng sinturon, relo, salamin, at iba pang tulad nito;
2. Ang pagtatakip sa ulo ng anumang sumasayad o dumidiit dito, subalit walang masama kung hindi dumidiit ang ipinantatakip gaya ng payong, bubong ng kotse, tolda, at mga katulad nito.
3. Ang pagsusuot ng medyas, ngunit maaaring magsuot ng sapatos kapag walang makitang tsenelas.
Tatlong Kalagayan ng Nakagawa ng mga Bawal
1. Na ginawa niya ito nang walang katanggap-tanggap na kadahilanan kaya naman siya ay nagkakasala at kailangan niyang magbigay ng Fidyah,(1)
2. Na ginawa niya ito sanhi ng pangangailangan kaya naman wala siyang sala ngunit kailangan pa rin niyang magbigay ng Fidyah,
3. Na ginawa niya ito ngunit siya ay mapagpapaumanhinan dahil sa kawalang-kaalaman o pagkalimot o pinuwersa kaya naman wala siyang kasalanan at hindi na kailangang magbigay ng Fidyah.
(1) Ang Fidyah ay nagsisilbing kabayaran sa pagkakamali o kasalanan. Ang mga Fidyah ay hindi magkakatulad; kaya kapag nakagawa ng anuman sa mga nabanggit na ipinagbabawal, magtanong sa nakaaalam kung ano ang dapat gawin.
Ang Tawaf
Kapag papasok sa al-Masjid al-Haram, Sunnah na unahing ipasok ang kanang paa at na magsabi ng: bismillahi, was salatu was salamu 'ala rasolillaah, allahum maghfir li dhunobi waftah li abwaba rahmatik.(1) Ganito rin ang gagawin sa lahat ng Masjid. Pagkatapos ay tutuloy agad sa Ka'bah upang isagawa ang Tawaf.
Ang Tawaf ay ang paglibot sa Ka'bah nang pitong ulit. Magsisimula ang pag-ikot sa tapat ng al-Hajar al-Aswad at magtatapos din doon, habang ang Ka'bah ay nasa kaliwa. Kailangan ding mayroon pang Wudo'.
1. Pupunta sa al-Hajar al-Aswad (Batong Itim), hihipuin iyon ng kanang kamay, magsasabi ng bismillahi wallahu akbar,(2) hahalikan iyon kung makakaya ngunit kung hindi makakayang halikan iyon (dahil sa tindi ng siksikan) ay hihipuin na lamang iyon ng kanang kamay at hahalikan ang kanang kamay. Kung hindi rin madaling mahipo ang al-Hajar al-Aswad, haharap na lamang doon at ituturo iyon ng kanang kamay habang nagsasabi ng Allahu Akbar ngunit hindi na hahalikan pa ang kanang kamay. Pupuwesto na ang Ka'bah ay nasa kaliwa at sisimulan sa tapat ng al-Hajar al-Aswad ang Tawaf. Habang nagsasagawa ng Tawaf ay mananalangin kay Allah ng kahit anong nanaising panalangin o bibigkas ng kahit anumang talata ng Qur'an. Maaaring manalangin sa sariling wika, para sa sariling kapakanan at para sa kaninumang nais na idalangin. Walang takdang Du'a' kapag nagsasagawa ng Tawaf.
2. Kapag dumating sa ar-Rukn al-Yamani ay hihipuin iyon ng kanang kamay kung magagawa, at magsasabi ng bismillahi wallahu akbar ngunit hindi na hahalikan ang kamay. Kung hindi iyon magawang hipuin ay magpapatuloy na lamang sa paglalakad at hindi na ituturo iyon ng kanang kamay at hindi na rin magsasabi ng Allahu akbar. Habang nasa pagitan ng ar-Rukn al-Yamani at al-Hajar al-Aswad ay magsabi ng rabbana atina fid dunya hasanah, wa fil akhirati hasanah, wa qina 'adhaban nar.(3)
3. Kapag natapat na sa al-Hajar al-Aswad ay hihipuin iyon ngunit kung hindi magawa ay ituturo na lamang iyon ng kanang kamay habang sinasabi ang Allahu akbar.
Ganito natatapos ang unang pag-ikot sa kabuuang pitong pag-ikot. Upang matapos ang natitirang mga pag-ikot:
4. Magpapatuloy sa pagsasagawa ng Tawaf at gagawin ang tulad sa ginawa sa unang ikot hanggang sa makumpleto ang pitong ikot. Sa tuwing madadaan sa tapat ng al-Hajar al-Aswad ay magsasabi ng Allahu akbar at sasabihin rin ito pagkatapos ng ikapitong ikot. Sunnah na maglakad ng paglalakad na tinatawag na Raml sa unang tatlong pag-ikot at maglalakad naman ng karaniwang lakad sa huling apat na pag-ikot. Ang Raml ay ang paglalakad nang mabilis at magkakalapit ang mga hakbang.(4)
Sunnah rin na isuot ang Rida' (balabal) nang pagsuot na tinatawag na Id'tiba' sa buong pagsasagawa ng Tawaf. Ang Id'tiba' ay ganito: ilagay sa kaliwang balikat ang kalagitnaang bahagi ng Rida', pagsalubungin sa ilalim ng kanang kilikili ang mga bahagi nitong malapit sa magkabilaang dulo nito at ipatong sa kaliwang balikat ang magkabilaang dulo nito.(5) Ang Raml at Id'tiba' ay isinasagawa lamang sa unang pagsasagawa ng Tawaf ng nagsasagawa ng Hajj o 'Umrah sa unang pagdating sa Makkah.
(1) Sa ngalan ni Allah; ang pagpapala at kapayapaan ay makamit ng Sugo ni Allah. O Allah, patawarin Mo po ako sa aking mga pagkakasala at buksan Mo po para sa akin ang mga pinto ng Iyong awa.
(2) Sa ngalan ni Allah; si Allah ay pinakadakila. Mainam din na magsabi ng: Allahumma imanam bika wa tasdiqam bikitabika wa wafa'am bi'ahdika wattiba'al lisunnati nabiyika sallallahu 'alayhi wa sallam: O Allah, dahil sa pagsampalataya sa Iyo, sa paniniwala sa Iyong Aklat, sa pagtupad sa pangako sa Iyo, at pagsunod sa Sunnah ng Iyong Propeta pagpalain Mo po siya at pangalagaan.
(3) Panginoon namin, bigyan Mo po kami sa mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng mabuti rin; at iadaya Mo po kami sa pagdurusa sa Apoy.
(4) Kung mahirap itong gawin, maaari nang hindi ito gawin.
(5) Ang babae ay hindi pinahihintulutan na gawin ang Id'tiba'.
Pagkatapos ng Tawaf
Sunnah na magsagawa ng dalawang Rak'ah na Salah sa tapat ng Maqam Ibrahim na nasa pagitan ng nagsasagawa ng Salah at ng Ka'bah. Isusuot ang balabal bago magdasal: ipapatong ito sa dalawang balikat at ang magkabilang dulo ay nasa dibdib. Tahimik na bibigkasin ang Soratul Fatihah at ang Soratul Kafiron sa unang Rak'ah, at ang Soratul Fatihah at ang Soratul Ikhlas saa ikalawang Rak'ah. Kung hindi magiging madali na magdasal sa tapat ng Maqam Ibrahim dahil sa tindi ng siksikan, magdadasal sa alin mang bahagi ng al-Masjid al-Haram. Pagkatapos ng Salah ay Sunnah na uminom ng maraming tubig ng Zamzam.
Ang Sa'y (1)
Pagkatapos uminom ay pupunta sa Mas'a;(2) dadako muna sa Safa at kapag malapit na roon ay bibigkasin ang innas safa wal marwata min sha'a'irillah.(3) Aakyat sa Safa hanggang sa makita ang Ka'bah, haharap doon at iaangat ang mga kamay (na ang mga palad ay nakaharap sa mukha). Magpupuri kay Allah at mananalangin ng anumang nais ipanalangin o ng gaya ng panalanging ito: la ilaha illallah, wallahu akbar, la ilaha illallahu wahdah, la sharika lah, lahul mulku wa lahul hamd, yuhyi wa yumit, wa huwa 'ala kulli shay'in qadir, la ilaha illallahu wahdah, anjaza wa'dah, wa nasara 'abdah, wa hazamal ahzaba wahdah.(4) Mananalangin pa nang mahaba. Uulitin nang tatlong beses ang lahat ng iyon.
(1) Ang Sa'y ay ang pagbalik-balik sa pagitan ng Safa at Marwah.
(2) Ang pinagsasagawaan ng Sa'y at daang nag-uugnay sa Safa at Marwah.
(3) Tunay na ang Safa at ang Marwah ay kabilang sa mga tanda ni Allah.
(4) Walang totoong Diyos kundi si Allah; si Allah ay pinakadakila. Walang totoong Diyos kundi si Allah; tanging Siya lamang, wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay-buhay Siya at bumabawi Siya ng buhay. Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay. Walang totoong Diyos kundi si Allah, tanging Siya lamang. Tinupad Niya ang Kanyang pangako, pinagtagumpay Niya ang Kanyang Lingkod, at mag-isa Niyang ginapi ang mga magkakampi (laban sa Islam).
Pagkatapos niyon ay maglalakad pababa patungo sa Marwah. Pagdating sa palatandaang kulay berde, Sunnah na maglakad nang mabilis sa abot ng makakaya hanggang sa dumating sa kabilang palatandaang berde—sa kundisyon na walang sinumang pipinsalain. (Ang paglalakad nang mabilis sa bahaging ito ng Mas'a ay para lamang sa mga kalalakihan at hindi para sa mga kababaihan.) Pagdating sa paanan ng Marwah ay aakyatin ito, haharap sa kinaroroonan ng Ka'bah, iaangat ang mga kamay, at bibigkasin ang binigkas sa Safa. Pagkatapos nito ay natapos na ang isang Shawt (1) sa kabuuang pitong Shawt. Matapos manalangin ay bababa sa Marwah, magtutungo sa Safa, at gagawin ang tulad sa ginawa sa unang Shawt. Sunnah na damihan ang panalangin habang nagsasagawa ng Sa'y.
Kung ang Hajj na isinasagawa ay Tamattu', matapos isagawa ang Sa'y ay maaari nang ipagupit ang buhok, tapusin ang 'Umrah, magsuot ng pangkaraniwang damit, at maaalis na ang lahat ng ipinagbabawal sa Ihram. Kapag dumating ang ika-8 ng Dhul Hijjah ay muling magsasagawa ng Ihram sa tinitigilan para naman sa Hajj bago sumapit ang Salah sa Dhuhr. (Repasuhin ang pagsagawa ng Ihram.) Gagawin ang lahat ng ginagawa noong nagsagawa ng Ihram para sa 'Umrah. Pagkatapos nito ay ipahahayag ang hangaring magsagawa ng Hajj sa pamamagitan ng pagsabi ng: labbayka hajja, labbayka la sharika laka labbayk, innal hamda wan ni'mata laka wal mulk, la sharika lak.(2) Pagkatapos nito ay isasagawa sa Mina ang Dhuhr, 'Asr, Isha' na pinaikli sa dalawang Rak'ah, Maghrib at Fajr. (Ang Maghrib at Fajr ay hindi pinaiikli.)
(1) Isang pagpunta sa Safa galing ng Marwah o sa Marwah galing ng Safa.
(2) Bilang pagtugon sa Iyong panawagan upang magsagawa ng Hajj; bilang pagtugon sa Iyong panawagan, wala Kang katambal, bilang pagtugon sa Iyong panawagan. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; wala Kang katambal.
Sa Ikawalong Araw ng Dhul Hijjah
Pupunta sa Mina at magsagawa roon ng Salah na Dhuhr, 'Asr, Maghrib, Isha' at Fajr; piikliin sa dalawang Rak'ah ang mga Salah na apatang Rak'ah.
Sa Ikasiyam na Araw (Sa Araw ng 'Arafah)
Itinatagubiling gawin sa araw na ito ang mga sumusunod:
1. Matapos sumikat ang araw ay pupunta sa 'Arafah at mananatili roon hanggang sa bago lumubog ang araw. Isasagawa roon ang Salah na pinagsamang Dhuhr at 'Asr (Jam') at pinaiksi sa dalawang Rak'ah (Qasr) kapag lumampas na ang araw sa katahanghaliang tapat. Pagkatapos ng Salah ay ibubuhos ang sarili sa pagsambit ng mga Dhikr, mga Du'a', at Talbiyah. Sunnah din na damihan ang pananalangin kay Allah at ang pagsusumamo sa Kanya. Hihiling sa Kanya ng para sa sariling kapakanan at ng para sa kapakanan ng lahat ng mga Muslim. Ipananalangin ang anumang maiibigan. Kanais-nais na iangat ang mga kamay habang nananalangin. Ang Wuqof (pananatili) sa 'Arafah ay isa sa mga Haligi ng Hajj. (Tingnan sa pahina XX ang tungkol sa mga Haligi ng Hajj.) Ang sinumang hindi nanatili sa 'Arafah, hindi tanggap ang Hajj niya. Ang panahon ng pananatili sa 'Arafah ay magmula nang sumikat ang araw ng ika-9 araw ng Dhul Hijjah hanggang sa bago sumapit ang madaling araw ng ika-10 araw ng Dhul Hijjah. Ang sinumang nanatili sa 'Arafah kahit sa loob ng maikling panahon lamang sa gabi man o araw ay nakumpleto na niya ng kanyang Hajj. Kailangang tiyakin niya na siya ay nasa loob ng 'Arafah.
2. Kapag natiyak na lumubog na ang araw sa araw ng 'Arafah, panatag at mahinahon na pupunta sa Muzdalifah habang malakas na binibigkas ang Talbiyah.
Sa Muzdalifah
Pagdating sa Muzdalifah ay magdadasal ng pinagsamang Salah na Maghrib at Isha'(Jam') at paiiksiin sa dalawang Rak'ah ang Isha'. Pagkatapos ng Salah ay maaari nang ihanda ang anumang naisin gaya ng pagkain at iba pa. Makabubuting matulog nang maaga upang magising na masigla para sa Salah sa Fajr.
Sa Ikasampung Araw: Araw ng 'حd
1. Kapag sumapit ang oras ng Salah sa Fajr ay isasagawa ito at pagkatapos nito ay mananatili sa kinaroroonan. Dadamihan ang pagsambit ng Dhikr at Du'a' hanggang sa magliwanag nang husto ang langit bago tuluyang sumikat ang araw.
2. Mamumulot ng pitong munting bato at bago sumikat ang araw ay pupunta sa Mina habang binibigkas ang Talbiyah.
3. Magpapatuloy sa pagsambit ng Talbiyah hanggang sa makarating sa Jamrah al-'Aqabah (al-Jamrah al-Kubra).(1) Magsisimula sa pagsasagawa ng Ramy (pagbato sa Jamarah). Maghahagis ng pitong bato—isa-isa lamang—sa sahuran ng bato at sa tuwing maghahagis ay magsasabi ng Allahu akbar.
(1) Ang Jamrah o al-Jamrah ay ang lugar ng pinagsasagawaan ng Ramy.
4. Pagkatapos magsagawa ng Ramy ay mag-aalay na ng Hady (kung ang isinasagawang Hajj ay Tamattu' o Qiran). Kanais-nais na kumain ng bahagi nito at ikakawanggawa at ipamimigay ang mga nalalabi.
5. Matapos na maialay ang Hady ay ipaaahit o paiiksian ang lahat ng buhok sa ulo ngunit lalong mainam na ipaahit. Ang mga babae naman ay magpapaputol o magpuputol lamang ng mga isang pulgada (mga tatlong sentemetro) sa lahat ng dulo ng kanilang buhok. Pagkatapos nito ay ipinahihintulot na ang ipinagbabawal dati sa sandali ng Ihram gaya ng paghubad ng kasuutan para sa Ihram, pagsusuot ng pangkaraniwang kasuutan, paggamit ng pabango o anumang mabango, pagpuputol ng mga kuko, at pag-aalis ng buhok. Ngunit mananatili pa ring bawal ang pagtatalik, pag-aasawa o anumang kaugnay rito gaya ng halik, yakap, at iba pa hanggang hindi pa naisasagawa ang Tawaf al-Ifadah (Tawaf para sa Hajj). Pagkatapos nito ay kanais-nais na maligo, maglinis ng sarili, magpabango o gumamit ng anumang mabango, at magsuot ng pangkaraniwang damit.
6. Pupunta sa al-Masjid al-Haram upang isagawa ang Tawaf para sa Hajj (Tawaf al-Ifadah).(1) Magsasagawa ng pitong Tawaf sa Ka'bah at pagkatapos nito ay magsagawa ng dalawang Rak'ah na Salah. Pagkatapos nito ay pupunta sa Safa at Marwah upang isagawa ang Sa'y: 7 Shawt sa pagitan ng Safa at Marwah. Isasagawa ito gaya ng unang ginawa. (Matapos maisagawa ang Sa'y ay nagwakas na ang mga ipinagbabawal sa sandali ng Ihram, kaya ipinahihintulot na ang lahat ng dating ipinagbabawal dahil sa Ihram, pati na ang pakikipagtalik o pagpapakasal.)
7. Kailangang magpagabi sa Mina sa gabi ng ika-11, ika-12 ng Dhul Hijjah (at ika-13 ng Dhul Hijjah para sa magpapahuli).(2) Ang pagpapagabi sa Mina ay ang pananatili sa Mina sa loob ng higit na malaking bahagi ng gabi.
Ang nabanggit na pagkakasunod-sunod ng Ramy, pag-aalay ng Hady, pagpapaahit o pagpapaiksi ng lahat ng buhok sa ulo, Tawaf para sa Hajj ay Sunnah. Walang masama kung uunahin ang alinman sa mga ito.
(1) Sa Tawaf al-Ifadah ay walang Id'tiba' at walang Raml. Tingnan sa pahina XX kung ano ang Raml at ang Id'tiba'.
(2) Sa kalendaryo ng Islam ang araw at petsa ay nagpapalit sa paglubog ng araw at hindi sa hatinggabi. Nagsisimula ang gabi paglubog na paglubog ng araw at nagsisimula ang araw (day) pagsapit ng madaling araw.
Sa Ika-11 Araw ng Dhul Hijjah
Sa araw na ito ay kailangang isagawa ang Ramy (pagbabato o paghahagis ng bato) sa tatlong Jamrah. Sinisimulan ang Ramy kapag lumihis na ang araw sa katanghaliang-tapat at hindi ipinahihintulot na bago sumapit iyon. Magsisimula sa al-Jamrah as-Sughra at pagkatapos ay sa al-Jamrah al-Wusta at pagkatapos ay sa al-Jamrah al-Kubra naman. Ang paraan ng pagsasagawa ng Ramy ay ganito:
1. Magdadala ng 21 munting bato at pagkatapos ay pupunta sa al-Jamrah as-Sughra at ibabato roon nang paisa-isa ang unang pitong munting bato, habang nagsasabi ng Allahu akbar sa bawat pagbato. Sisikaping pabagsakin ang mga bato sa sahuran ng bato.(1) Pagkatapos bumato ay Sunnah na dumako nang kaunti sa gawing kanan, at saka tatayo at manalangin nang mahaba.
2. Pagkatapos niyon ay pupunta sa al-Jamrah al-Wusta at ibabato roon nang paisa-isa ang ikalawang pitong munting bato, habang sinasabi ang Allahu akbar sa bawat pagbato. Pagkatapos bumato ay Sunnah na dumako sa dakong kaliwa, at saka tatayo at manalangin nang mahaba.
3. Pagkatapos nito ay pupunta sa al-Jamrah al-Kubra at ibabato roon nang paisa-isa ang ikatlong pitong munting bato, habang nagsasabi ng Allahu akbar sa bawat pagbato. Pagkatapos ay aalis at hindi na mananatili para manalangin.
(1) Uulitin ang pagbato para sa bawat batong hindi bumagsak sa sahuran. Ang mahalaga sa paghahagis ng bato ay ang pabagsakin ang bato sa sahuran at hindi ang patamaan ang haligi sapagkat ito ay palatandaan lamang kung nasaan ang kalagitnaan ng sahuran.
Sa Ika-12 ng Dhul Hijjah
1. Gagawin ang tulad sa ginawa noong ika-11 ng Dhul Hijjah. Kung nais magpahuli at manatili pa hanggang sa ika-13 ng Dhul Hijjah—na siyang lalong mainam—gagawin sa araw na iyon ang tulad sa ginawa noong ika-11 at ika-12 ng Dhul Hijjah.
2. Matapos isagawa ang Ramy sa ika-12 ng Dhul Hijjah o sa ika-13 ng Dhul Hijjah—para sa nagpahuli—ay pupunta sa al-Masjid al-Haram upang isagawa ang Tawaf al-Wida'(1) (Tawaf ng Pamamaalam) na binubuo ng pitong paglibot sa Ka'bah. Pagkatapos nito ay Sunnah na magdasal ng dalawang Rak'ah sa likod ng Maqam Ibrahim kung magagawa iyon o kahit saan man sa al-Masjid al-Haram. Ang babaeng may regla o may Nifas ay hindi na obligadong magsagawa ng Tawaf al-Wida'.
3. Pagkatapos nito ay kailangang wala nang ibang pang gagawin kundi ang paglisan sa Makkah habang sinasamantala ang oras sa pagsambit ng mga Dhikr at Du'a' at pakikinig ng kapupulutan ng kapakinabangan. Wala ring masama kung mananatili nang hindi matagal matapos na magsagawa ng Tawaf al-Wida': halimbawa ay maghihintay sa mga kasama o magbubuhat ng mga dala-dalahan o bibili ng mga kakailanganin sa daan at iba pang mga dahilang katulad nito.
(1) Sa Tawaf al-Wida' at Tawaf al-Ifadah ay walang Id'tiba' at walang Raml.
Ang mga Rukn o Haligi ng Hajj
1. Ang Ihram;
2. Ang Pagtigil sa 'Arafah;
3. Ang Tawaf al-Ifadah (Ang Tawaf sa araw ng 'حd);
4. Ang Sa'y.
Ang sinumang may nakaligtaang gawin kahit isa man lamang sa nabanggit na mga Haligi ng Hajj ay hindi matatanggap ang Hajj niya hangga't hindi niya isinasagawa ang nakaligtaang iyon.
Ang mga Wajib (Kailangang Gawin) sa Hajj
1. Ang pagsasagawa ng Ihram sa Miqat;
2. Ang pagtigil (Wuqof) sa 'Arafah hanggang sa lumubog ang araw para sa mga tumigil doon sa araw;
3. Ang pagpapagabi sa Muzdalifah hanggang sa madaling araw hanggang sa magliwanag na nang husto ang langit ngunit bago tuluyang sumikat ang araw, maliban sa mga may mahihinang pangangatawan at mga kababaihan sapagkat pinahihintulutan silang manatili hanggang sa hatinggabi.
4. Ang pagpapagabi sa Mina sa mga gabi ng Tashriq;(1)
5. Ang pagsasagawa ng Ramy sa mga araw ng Tashriq;
6. Ang pagpapagupit o pagpapaahit ng buhok;
7. Ang pagsasagawa ng Tawaf al-Wida'.
Ang sinumang may nakaligtaang gawin na kahit isa man lamang sa nabanggit na mga Wajib sa Hajj ay kailangang magkatay ng hayop: isang tupa o kambing para sa isang tao o isang baka o kamelyo para sa pitong tao. Ipamigay ito sa mga naninirahan sa Haram (sa loob ng Makkah).
(1) Ang ika-11, ika-12, at ika-13 ng Dhul Hijjah. Sa kalendaryo ng Islam ang petsa ay nagpapalit sa paglubog ng araw at hindi sa hatinggabi. Nagsisimula ang gabi paglubog ng araw at nagsisimula ang araw (day) pagsapit ng madaling araw.
Ang Pagdalaw sa Masjid ng Propeta (SAS)
Kanais-nais na magsagawa ng pagdalaw sa Masjid ng Sugo ni Allah (SAS) upang magsagawa ng Salah doon. Iyon ay sapagakat naiulat sa Hadith na ang Salah na isinasagawa roon ay higit na mainam kaysa sa isang libong Salah na isinasagawa sa ibang masjid maliban sa al-Masjid al-Haram. Ang pagdalaw sa Masjid na ito ay itinatagubilin sa buong taon, walang takdang panahon para sa pagdalaw rito at hindi rin ito bahagi ng Hajj. Hangga't ang isang Muslim ay nasa Masjid na ito, kanais-nais na dalawin ang libingan ng Propeta (SAS) at ng dalawa niyang Kasamahan na sina Abo Bakr at 'Umar—kalugdan sila ni Allah. Ang pagdalaw sa mga libingan ay para lamang sa mga kalalakihan at hindi para sa mga kababaihan. Hindi ipinahihintulot sa sinuman na ihipo ang kamay sa anumang bakod na nakapalibot sa libingan ng Propeta (SAS) upang ipahid ito sa alinmang bahagi ng katawan sa pag-aakalang may matatamong biyaya rito, o na magsagawa ng Tawaf sa palibot nito, na o humarap dito habang nananalangin.
أحكام العمرة
Ang Pagsasagawa ng 'Umrah
Ang Hatol sa Pagsasagawa ng Hajj
Ang pagsasagawa ng 'Umrah ay tungkulin ng bawat lalaki at babaeng Muslim isang beses sa tanang buhay sapagkat ang sabi ni Allah (3:97): "…At kay Allah ay may tungkulin ang mga tao na magsagawa ng Hajj sa Bahay: ang sinumang makakayang makarating doon. …" Ito ay kabilang sa mga mainam na pagsambang kanais-nais para sa isang Muslim na ulit-ulitin sa abot ng kanyang makakaya. Ang kauna-unahang gagawin ng isang magsasagawa ng 'Umrah sa mga gawaing kaugnay sa 'Umrah ay ang Ihram.
Ang Ihram
Ang Ihram ay ang pagpasok sa pagsasagawa ng mga itinakdang gawain para sa Hajj at 'Umrah. Kailangang magsagawa ng Ihram ang sinumang nagnanais na magsagawa ng Hajj o 'Umrah. Magsasagawa ng Ihram ang nagnanais magsasagawa ng Hajj o 'Umrah, kapag nagbuhat siya sa labas ng Makkah, sa isa sa mga Miqat na itinakda ng Sugo (SAS). Ang mga Miqat ay ang sumusunod:
1. Ang Dhul Hulayfah. Ito ay isang maliit na nayong malapit sa al-Madinah at tinatawag sa ngayon na Abyar 'Ali. Ito ang Miqat ng mga galing sa Madinah;
2. Ang al-Juhfah. Ito ay isang maliit na nayong malapit sa Rabigh. Ang mga tao sa ngayon ay nagsasagawa ng Ihram sa Rabigh. Ito ang Miqat ng mga galing sa Syria, Jordan, at Palestine;
3. Ang Qarn al-Manazil (as-Sayl al-Kabir). Ito ay isang lugar na malapit sa Ta'if. Ito ang Miqat ng mga galing sa Najd (Ang kalagitnaang bahagi ng Saudi Arabia);
4. Ang Yalamlam. Ito ay mga 70 km buhat sa Makkah. Ito ang Miqat ng mga galing sa Yemen;
5. Ang Dhat 'Irq. Ito ang Miqat ng mga galing sa Iraq.
Ang mga lugar na ito ay ginawang Miqat ng Propeta (SAS) para sa mga nagbuhat sa lugar na nabanggit at sa mga dumaraan sa mga ito na nagbuhat sa ibang pook, na nagnanais na magsagawa ng Hajj o 'Umrah. Ang mga naninirahan sa Makkah at sa pagitan ng Makkah at mga Miqat ay magsasagawa ng Ihram sa kanilang mga tahanan.
Ang mga Sunnah sa Ihram
Ang mga gawaing Sunnah na gawin bago magsagawa ng Ihram:
1. Ang pagputol ng mga kuko sa kamay at paa, ang pagbunot o ang pag-aahit ng buhok sa kilikili, ang pagputol ng bigote, ang pag-ahit ng buhok sa ari, ang pagpaligo, at ang paggamit ng pabango o mabangong bagay sa katawan lamang at hindi sa kasuutan para sa Ihram.
2. Ang pag-aalis sa katawan ng anumang kasuutan (gaya ng brief, kamiseta, salawal, at T-shirt) at ang pagsusuot ng Izar (puting tapis) at Rida' (puting balabal). Samantala, ang babae ay maaaring magsuot ng anumang damit na ninais niya, kalakip ng pagsisikap na takpan ang sarili, na hindi ilantad ang kagandahan, na takpan ang mukha at mga kamay kapag may mga lalaking hindi Mahram at na iwasan na magsuot ng Niqab at mga guwantes.
3. Ang pagpunta sa Masjid, ang pagsasagawa ng Salah kasama ng Jama'ah kapag oras ng Salah o ang pagsasagawa ng dalawang Rak'ah bilang Salah na Sunnah para sa Wudo'. At pagkatapos na gawin ang mga nabanggit ay isasagawa na ang Ihram para sa 'Umrah sa pamamagitan ng pagsabi ng labbayka 'umrah.(1)
Kapag naglalakbay sakay ng eroplano patungong Makkah ay kailangang isagawa ang Ihram pagdating ng eroplano sa ibabaw ng Miqat o sa loob ng maikling sandaling hindi pa lumalampas sa Miqat ang eroplano kapag mahirap malaman kung nasaan ito. Gagawin ang mga ginagawa sa Miqat gaya ng paglilinis ng sarili, pagpapabango o paggamit ng mabangong bagay, pagpuputol ng mga kuko, at pagsusuot ng kasuutan para sa Ihram, kung ninanais ay bago sumakay sa eroplano o kapag nakasakay na sa eroplano. Pagkatapos ay ipahahayag ang layuning magsagawa ng Ihram bago dumating sa Miqat o pagdating ng eroplano dito.
Matapos isagawa ang Ihram, Sunnah na bigkasin ang Talbiyah at uli-ulitin ito sa tuwi-tuwina sa loob ng mga sandaling nasa panahon ng Ihram hanggang sa bago magsimula ang Tawaf sa Ka'bah. Ang Talbiyah ay ang pagsasabi ng: Labbayk allahumma labbayk, labbayka la sharika laka labbayk, innal hamda wan ni'mata laka wal mulk, la sharika lak.(2)
(1) Bilang pagtugon sa Iyong panawagan upang magsagawa ng 'Umrah.
(2) Bilang pagtugon sa Iyong panawagan, o Allah, bilang pagtugon sa Iyong panawagan; bilang pagtugon sa Iyong panawagan, wala Kang katambal, bilang pagtugon sa Iyong panawagan. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; wala Kang katambal.
Ang mga Bawal Matapos Magsagawa ng Ihram
1. Ang pag-aalis ng buhok sa ulo at sa alin mang bahagi ng katawan, subalit walang masama kung kakamutin nang marahan ang ulo kapag kailangan;
2. Ang pagputol ng kuko, subalit kung kusang naputol ang kuko o nakasasakit ay walang masama na alisin ito;
3. Ang paggamit ng pabango o mabangong bagay at gayon din ang sabon na may pabango;
4. Ang pakikipagtalik o ang anumang gawaing maaaring mauwi sa pakikipagtalik gaya ng pagpapakasal, ang pagtingin nang may pagnanasa, ang paghipo, ang paghalik, at iba pa;
5. Ang pagsusuot ng guwantes;
6. Pagpatay ng mailap na hayop.
Ang mga gawaing ito ay ipinagbabawal sa lalaki at babae. Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal lamang sa lalaki:
1. Ang pagsusuot ng anumang kasuutan, ngunit ipinahihintulot ang anumang kakailanganin gaya ng sinturon, relo, salamin, at iba pang tulad nito;
2. Ang pagtatakip sa ulo ng anumang sumasayad o dumidiit dito, subalit walang masama kung hindi dumidiit ang ipinantatakip gaya ng payong, bubong ng kotse, tolda, at mga katulad nito.
3. Ang pagsusuot ng medyas, ngunit maaaring magsuot ng sapatos kapag walang makitang tsenelas.
Tatlong Kalagayan ng Nakagawa ng mga Bawal
1. Na ginawa niya ito nang walang katanggap-tanggap na kadahilanan kaya naman siya ay nagkakasala at kailangan niyang magbigay ng Fidyah,(1)
2. Na ginawa niya ito sanhi ng pangangailangan kaya naman wala siyang sala ngunit kailangan pa rin niyang magbigay ng Fidyah,
3. Na ginawa niya ito ngunit siya ay mapagpapaumanhinan dahil sa kawalang-kaalaman o pagkalimot o pinuwersa kaya naman wala siyang kasalanan at hindi na kailangang magbigay ng Fidyah.
(1) Ang Fidyah ay nagsisilbing kabayaran sa pagkakamali o kasalanan. Ang mga Fidyah ay hindi magkakatulad; kaya kapag nakagawa ng anuman sa mga nabanggit na ipinagbabawal, magtanong sa nakaaalam kung ano ang dapat gawin.
Ang Tawaf
Kapag papasok sa al-Masjid al-Haram, Sunnah na unahing ipasok ang kanang paa at na magsabi ng: bismillahi, was salatu was salamu 'ala rasolillah, allahum maghfir li dhunobi waftah li abwaba rahmatik.(1)Ganito rin ang gagawin sa lahat ng Masjid. Pagkatapos ay tutuloy agad sa Ka'bah upang isagawa ang Tawaf.
Ang Tawaf ay ang paglibot sa Ka'bah nang pitong ulit. Magsisimula ang pag-ikot sa tapat ng al-Hajar al-Aswad at magtatapos din doon, habang ang Ka'bah ay nasa kaliwa. Kailangan ding mayroon pang Wudo'.
1. Pupunta sa al-Hajar al-Aswad (Batong Itim), hihipuin iyon ng kanang kamay, magsasabi ng bismillahi wallahu akbar,(2) hahalikan iyon kung makakaya ngunit kung hindi makakayang halikan iyon (dahil sa tindi ng siksikan) ay hihipuin na lamang iyon ng kanang kamay at hahalikan ang kanang kamay. Kung hindi rin madaling mahipo ang al-Hajar al-Aswad, haharap na lamang doon at ituturo iyon ng kanang kamay habang nagsasabi ng Allahu Akbar ngunit hindi na hahalikan pa ang kanang kamay. Pupuwesto na ang Ka'bah ay nasa kaliwa at sisimulan sa tapat ng al-Hajar al-Aswad ang Tawaf. Habang nagsasagawa ng Tawaf ay mananalangin kay Allah ng kahit anong nanaising panalangin o bibigkas ng kahit anumang talata ng Qur'an. Maaaring manalangin sa sariling wika, para sa sariling kapakanan at para sa kaninumang nais na idalangin. Walang takdang Du'a' kapag nagsasagawa ng Tawaf.
(1) Sa ngalan ni Allah; ang pagpapala at kapayapaan ay makamit ng Sugo ni Allah. O Allah, patawarin Mo po ako sa aking mga pagkakasala at buksan Mo po para sa akin ang mga pinto ng Iyong awa.
(2) Sa ngalan ni Allah; si Allah ay pinakadakila. Mainam din na magsabi ng: Allahumma imanam bika wa tasdiqam bikitلbika wa wafa'am bi'ahdika wattiba'al lisunnati nabiyika sallallahu 'alayhi wa sallam: O Allah, dahil sa pagsampalataya sa Iyo, sa paniniwala sa Iyong Aklat, sa pagtupad sa pangako sa Iyo, at pagsunod sa Sunnah ng Iyong Propeta pagpalain Mo po siya at pangalagaan.
2. Kapag dumating sa ar-Rukn al-Yamani ay hihipuin iyon ng kanang kamay kung magagawa, at magsasabi ng bismillahi wallahu akbar ngunit hindi na hahalikan ang kamay. Kung hindi iyon magawang hipuin ay magpapatuloy na lamang sa paglalakad at hindi na ituturo iyon ng kanang kamay at hindi na rin magsasabi ng Allahu akbar. Habang nasa pagitan ng ar-Rukn al-Yamanي at al-Hajar al-Aswad ay magsabi ng rabbana atina fid dunya hasanah, wa fil akhirati hasanah, wa qina 'adhaban nar.(1)
3. Kapag natapat na sa al-Hajar al-Aswad ay hihipuin iyon ngunit kung hindi magawa ay ituturo na lamang iyon ng kanang kamay habang sinasabi ang Allahu akbar.
Ganito natatapos ang unang pag-ikot sa kabuuang pitong pag-ikot. Upang matapos ang natitirang mga pag-ikot:
4. Magpapatuloy sa pagsasagawa ng Tawaf at gagawin ang tulad sa ginawa sa unang ikot hanggang sa makumpleto ang pitong ikot. Sa tuwing madadaan sa tapat ng al-Hajar al-Aswad ay magsasabi ng Allahu akbar at sasabihin rin ito pagkatapos ng ikapitong ikot. Sunnah na maglakad ng paglalakad na tinatawag na Raml sa unang tatlong pag-ikot at maglalakad naman ng karaniwang lakad sa huling apat na pag-ikot. Ang Raml ay ang paglalakad nang mabilis at magkakalapit ang mga hakbang.(2)
Sunnah rin na isuot ang Rida' (balabal) nang pagsuot na tinatawag na Id'tiba' sa buong pagsasagawa ng Tawaf. Ang Id'tiba' ay ganito: ilagay sa kaliwang balikat ang kalagitnaang bahagi ng Rida', pagsalubungin sa ilalim ng kanang kilikili ang mga bahagi nitong malapit sa magkabilaang dulo nito at ipatong sa kaliwang balikat ang magkabilaang dulo nito.(3) Ang Raml at Id'tiba' ay isinasagawa lamang sa unang pagsasagawa ng Tawaf ng nagsasagawa ng Hajj o 'Umrah sa unang pagdating sa Makkah.
(1) Panginoon namin, bigyan Mo po kami sa mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng mabuti rin; at iadaya Mo po kami sa pagdurusa sa Apoy.
(2) Kung mahirap itong gawin, maaari nang hindi ito gawin.
(3) Ang babae ay hindi pinahihintulutan na gawin ang Id'tiba'.
Pagkatapos ng Tawaf
Sunnah na magsagawa ng dalawang Rak'ah na Salah sa tapat ng Maqam Ibrahim na nasa pagitan ng nagsasagawa ng Salah at ng Ka'bah. Isusuot ang balabal bago magdasal: ipapatong ito sa dalawang balikat at ang magkabilang dulo ay nasa dibdib. Tahimik na bibigkasin ang Soratul Fatihah at ang Soratul Kafiron sa unang Rak'ah, at ang Soratul Fatihah at ang Soratul Ikhlas saa ikalawang Rak'ah. Kung hindi magiging madali na magdasal sa tapat ng Maqam Ibrahim dahil sa tindi ng siksikan, magdadasal sa alin mang bahagi ng al-Masjid al-Haram. Pagkatapos ng Salah ay Sunnah na uminom ng maraming tubig ng Zamzam.
Ang Sa'y (1)
Pagkatapos uminom ay pupunta sa Mas'a;(2) dadako muna sa Safa at kapag malapit na roon ay bibigkasin ang innas safa wal marwata min sha'ل'irillah.(3) Aakyat sa Safa hanggang sa makita ang Ka'bah, haharap doon at iaangat ang mga kamay (na ang mga palad ay nakaharap sa mukha). Magpupuri kay Allah at mananalangin ng anumang nais ipanalangin o ng gaya ng panalanging ito: la ilaha illallah, wallahu akbar, la ilaha illallahu wahdah, la sharika lah, lahul mulku wa lahul hamd, yuhyi wa yumit, wa huwa 'ala kulli shay'in qadir, la ilaha illallahu wahdah, anjaza wa'dah, wa nasara 'abdah, wa hazamal ahzaba wahdah.(4) Mananalangin pa nang mahaba. Uulitin nang tatlong beses ang lahat ng iyon.
(1) Ang Sa'y ay ang pagbalik-balik sa pagitan ng Safa at Marwah.
(2) Ang pinagsasagawaan ng Sa'y at daang nag-uugnay sa Safa at Marwah.
(3) Tunay na ang Safa at ang Marwah ay kabilang sa mga tanda ni Allah.
(4) Walang totoong Diyos kundi si Allah; si Allah ay pinakadakila. Walang totoong Diyos kundi si Allah; tanging Siya lamang, wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay-buhay Siya at bumabawi Siya ng buhay. Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay. Walang totoong Diyos kundi si Allah, tanging Siya lamang. Tinupad Niya ang Kanyang pangako, pinagtagumpay Niya ang Kanyang Lingkod, at mag-isa Niyang ginapi ang mga magkakampi (laban sa Islam).
Pagkatapos niyon ay maglalakad pababa patungo sa Marwah. Pagdating sa palatandaang kulay berde, Sunnah na maglakad nang mabilis sa abot ng makakaya hanggang sa dumating sa kabilang palatandaang berde—sa kundisyon na walang sinumang pipinsalain. (Ang paglalakad nang mabilis sa bahaging ito ng Mas'a ay para lamang sa mga kalalakihan at hindi para sa mga kababaihan.) Pagdating sa paanan ng Marwah ay aakyatin ito, haharap sa kinaroroonan ng Ka'bah, iaangat ang mga kamay, at bibigkasin ang binigkas sa Safa. Pagkatapos nito ay natapos na ang isang Shawt(1) sa kabuuang pitong Shawt. Matapos manalangin ay bababa sa Marwah, magtutungo sa Safa, at gagawin ang tulad sa ginawa sa unang Shawt. Sunnah na damihan ang panalangin habang nagsasagawa ng Sa'y.
Matapos na maisagawa ang Sa'y ay maaari nang ipagupit o ipaahit ang buhok, magsuot ng pangkaraniwang damit, at maaalis na ang lahat ng ipinagbabawal sa Ihram.
(1) Isang pagpunta sa Safa galing ng Marwah o sa Marwah galing ng Safa.
Ang mga Rukn o Haligi ng 'Umrah
1. Ang Ihram;
2. Ang Tawaf;
3. Ang Sa'y.
Ang sinumang may nakaligtaang gawin kahit isa man lamang sa nabanggit na mga Haligi ng 'Umrah ay hindi matatanggap ang'Umrah niya hangga't hindi niya isinasagawa ang nakaligtaang iyon.
Ang mga Wajib (Kailangang Gawin) sa 'Umrah
1. Ang pagsasagawa ng Ihram sa Miqat;
2. Ang pagpapagupit o pagpapaahit ng buhok;
Ang sinumang may nakaligtaang gawin na kahit isa man lamang sa nabanggit na mga Wajib sa 'Umrah ay kailangang magkatay ng hayop: isang tupa o kambing para sa isang tao o isang baka o kamelyo para sa pitong tao. Ipamigay ito sa mga naninirahan sa Haram (sa loob ng Makkah).